Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Prk. 7, Brgy. San Isidro, Guindulman, Bohol noong Hulyo 17, 2026.
Kinilala ni PCol Patricio C Degay Jr., Provincial Director ng Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Benan”, 31 anyos na residente ng Brgy. Tabajan, Guindulman, Bohol.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 551.1 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php3,747.480.
Kasalukuyang nakapiit ang naarestong suspek sa Custodial Facility ng pulisya habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na nananatiling maigting ang kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez



