Suspek, arestado dahil sa ‘paihi’ sa Batangas

0
101
Screenshot

Arestado ang isang 36-anyos na lalaki na umano’y sangkot sa “paihi” o ilegal na paglilipat ng produktong petrolyo sa Lemery, Batangas nitong Biyernes ng gabi, Mayo 1, 2026.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang operasyon bandang 9:45 ng gabi sa Purok 3, Mataas na Bayan sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group Batangas Provincial Field Unit katuwang ang lokal na kapulisan.

Nasamsam sa operasyon ang mga produktong petrolyo, isang tanker truck, at iba pang kagamitan na umano’y ginamit sa ilegal na aktibidad na tinatayang may kabuuang halaga na mahigit Php11 milyon.

Agad namang dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG Batangas Provincial Field Unit para sa karagdagang dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.

Pinuri naman ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at tiniyak na paiigtingin pa ang kampanya laban sa parehong mga ilegal na aktibidad na lubos na nakakaapekto sa kabuhayan at kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply