Arestado ang isang lalaki na kabilang sa Street Level Individual sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”, dakong alas-9:00 ng gabi noong Enero 12, 2026 sa Bypass Road sa Purok 7, Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Cauayan Component City Police Station katuwang ang PDEU-IPPO, RMU2 at RIU2 sa pakikipag- ugnayan at koordinasyon sa PDEA RO2, matagumpay na nahuli si alyas “Mar”, walang asawa at residente ng Luna St. Brgy. 2, San Matero, Isabela.
Nakumpiska sa operasyon ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item); isang (1) piraso ng genuine Php500 bill na may kasamang isang piraso ng genuine Php500 (boodle money); isang (1) kulay berde ng vape, at isang (1) unit ng Infinix Smartphone na kulay kahel.
Source: https://www.facebook.com/share/p/18DLBH8gFA/



