RD Magistrado IV, pinangunahan ang Blessing at Turnover ng mga Logistical Assets

0
425

Pinangunahan ni Police Brigadier General Marcial Mariano P. Magistrado IV, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang Blessing at Turnover ng mga bagong logistical assets sa PRO13 Grandstand, Camp Col. Rafael C. Rodriguez, Libertad, Butuan City.

Ang nasabing aktibidad ay nagmarka sa pormal na turnover ng 12 yunit ng Personnel Carrier 4×4 (Toyota Hilux) at isang yunit ng Light Transport Vehicle (Toyota Innova) na inaasahang makapagpapalakas sa mobility at response capability ng PRO13 sa pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng kaayusan ng publiko, at disaster response operations sa rehiyon.

Bukod dito, ipinagkaloob din ang pitong yunit ng MERTSAV Light Machine Guns (LMG) at 200 yunit ng KAVRO Enhanced Combat Helmets na layong higit pang paigtingin ang kakayahang taktikal at kaligtasan ng mga tauhan ng PRO13 sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

Ang mga logistical assets ay pormal na tinanggap ng mga Provincial Directors at Chiefs of Police, kasama ang kani-kanilang Supply Accountable Officers, upang matiyak ang tamang dokumentasyon, pananagutan, at pagsunod sa mga umiiral na patakaran sa pamamahala ng mga ari-arian ng pamahalaan.

“Hindi dito nagtatapos ang ating responsibilidad sa turnover. Nasa inyo bilang mga end-user ang tungkuling pangalagaan at gamitin nang wasto ang mga kagamitang ito. Tandaan natin na ang pampublikong tanggapan ay isang pampublikong tiwala,” saad ni RD Magistrado IV.

Panulat ni JRU Criminology Intern Sean P. Reyes