Standard First Aid at Basic Life Support Training, ikinasa ng Agusan del Sur Cops

0
29

Ikinasa ng mga tauhan ng Agusan del Sur Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Yahya Bustamante Yusup, Provincial Director, ang Standard First Aid and Basic Life Support Training sa Agusan del Sur PPO Covered Court, Camp D.O. Plaza, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur noong Agosto 11, 2026.

Sa tulong at kaalaman ng Regional Medical and Dental Unit 13 sa pangunguna ni Police Colonel Joan L. Sia, Chief, katuwang ang ADS–Provincial Medical and Dental Team na pinamumunuan ni Police Captain Randolf Ian S. Dasmariñas, Team Leader, ay naging posible at naibahagi ang kaalaman sa mas maraming kapulisan.

Layunin ng aktibidad na gawing higit na mahusay ang mga pulis bilang mga medical first responder, upang matiyak na kayang makapagligtas at mapangalagaan ang buhay ng mga tao sa panahon ng mga kritikal na operasyon, aksidente sa sasakyan, at biglaang kalamidad, bago pa man dumating ang mga serbisyong medikal na pang-emergency na naaayon sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Leave a Reply