SIMEX, isinagawa ng Misamis Occidental PNP; kahandaan sa emergency response, sinubok

0
251

Isinagawa ang Simulation Exercise (SIMEX) ng mga tauhan ng Misamis Occidental Police Provincial Office sa Provincial Tactical Operation Center, Misamis Occidental nito lamang Agosto 6, 2026.

Pinangunahan ni Police Colonel Reynaldo M. Maclang, MNSA, Provincial Director ng Misamis Occidental PPO, ang SIMEX na may layunin na matiyak ang mabilis, maayos, at epektibong pagtugon ng kapulisan sa panahon ng krisis.

Layunin din ng tactical exercise na suriin ang kahandaan, pagiging epektibo ng mga linya ng komunikasyon, bilis ng pagtugon, at estratehikong koordinasyon ng mga dispatcher at unit commanders sa oras ng mga kritikal na insidente.

Personal ding pinangasiwaan ni PCol Maclang ang pagpapatupad ng mga protocol upang matukoy ang mga kakulangan sa operasyon, mapahusay ang mga taktikal na pamamaraan, at matiyak na handang tumugon nang mabilis at magkakaugnay ang lahat ng operating units sa buong lalawigan sa anumang sitwasyon sa seguridad.

Sa pamamagitan ng regular na tactical drills at simulation exercises, patuloy na pinauunlad ng Misamis Occidental PNP ang kahusayan sa operasyon upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaligtasan ng lahat ng mga Misamisnon na layunin ng mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source Misamis Occidental Police Provincial Office

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply