Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga law enforcement operatives ang isang Regional Top 10 Most Wanted Person sa kasong carnapping sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang operasyon bandang 3:00 ng hapon noong Agosto 5, 2026 sa kahabaan ng Bulaong Avenue, Barangay Dadiangas North, General Santos City.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alias Pikok, 23 taong gulang, isang carnival crew at residente ng Purok Malinog, Barangay Panay (Bo. 9), Sto. Niño, South Cotabato.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Koronadal City Police Station, General Santos City Provincial Highway Patrol Team, PIT South Cotabato-RIU 12, CIDG South Cotabato Provincial Field Unit, at South Cotabato Police Provincial Intelligence Unit.
Walang puwang ang mga nagtatago sa batas. Ang bawat matagumpay na pag-aresto sa mga most wanted persons ay patunay ng ating matatag na koordinasyon at walang humpay na pagtugis upang maihatid sa hukuman ang mga may pananagutan. Patuloy nating ipapakita na ang hustisya ay laging aabot sa sinumang umiiwas dito, pahayag ni PBGen Manibog.
Source: Police Regional Office 12



