Serbisyong Mabilis at Nararamdaman: BCPO – PS 7, agad tumugon sa senior citizen sa Baguio Public Market

0
261

Nagpakita ng mabilis at maagap na pagtugon ang mga tauhan ng Baguio City Police Office – Police Station 7 matapos humingi ng saklolo ang isang concerned citizen para sa isang senior citizen na nakararanas ng pagkahilo sa Sari-Sari Section ng Public Market sa Baguio City. Agad na rumesponde ang mga pulis mula sa Fixed Visibility Point 1 upang tiyakin ang kaligtasan at agarang pag-alalay sa naturang indibidwal.

Sa pagdating ng mga operatiba, mabilis silang nagsagawa ng paunang lunas habang nakikipag-ugnayan sa Emergency Medical Services (EMS) upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon ang senior citizen. Dahil sa maagap na koordinasyon at propesyonalismo ng mga pulis, naging maayos at ligtas ang sitwasyon.

Kalaunan ay matagumpay na na-turn over ang senior citizen sa pangangalaga ng EMS para sa karagdagang obserbasyon at lunas. Ipinakita ng insidenteng ito ang kahandaan ng kapulisan sa pagresponde hindi lamang sa peace and order concerns kundi maging sa mga emergency na nangangailangan ng agarang aksyon at malasakit.

Patunay rin ito ng patuloy na pagpapatupad ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” kung saan inuuna ng kapulisan ang kapakanan, seguridad, at kaligtasan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga nakatatanda at higit na nangangailangan ng tulong.

Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan at agad na lumapit sa mga awtoridad upang mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan.

Source: Baguio City Police Office – Station 7

Leave a Reply