Tiniyak ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), sa pamumuno ni PBGen Noel B. Vallo, ang seguridad at kaayusan sa mga sementeryo sa Baguio City sa paggunita ng “Undas 2026.” Kaugnay nito, nagsagawa si PCol Byron B. Tegui-in, Area Supervisor sa Baguio City, ng on-site inspection sa mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) at mga volunteer group na nakatalaga sa iba’t ibang sementeryo noong Nobyembre 1, 2026.
Sinuri ni PCol Tegui-in ang kahandaan at tamang pagkakatalaga ng mga pulis at volunteers sa Baguio City Public Cemetery, Pyramid Memorial Park, at Heaven’s Garden Memorial Park, gayundin ang pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad at paghahatid ng serbisyong pantulong sa mga dumadalaw.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, tuloy-tuloy na police visibility, at mataas na antas ng operational readiness upang matiyak ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng publiko at agarang pag-aksyon sa anumang usaping pangseguridad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pangangasiwa at monitoring, pinagtitibay ng PRO CAR ang pagsisikap nitong mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko at matiyak ang maayos at mapayapang paggunita ng “Undas 2026.”
Source: PRO CAR (https://www.facebook.com/share/p/1E9xND2EaM/?mibextid=wwXIfr)

