Nagsagawa ng inspection si Police Colonel Glenn G Cristines, Provincial Director ng Davao Norte Police Provincial Office, kasama si Police Lieutenant Colonel Edgardo G Bahan, Chief of Police ng Tagum City Police Station, sa mga tauhan ng pulisya na nakatalaga sa iba’t ibang pampublikong sementeryo at memorial parks sa nasasakupan ng Tagum City, Davao del Norte, noong umaga ng Nobyembre 1, 2026.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang kahandaan at wastong deployment ng mga tauhan, masubaybayan ang pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad, at masuri ang pagbibigay ng serbisyong publiko sa panahon ng paggunita sa Undas 2026.
Ipinapakita ng aktibidad ang patuloy na pagsisikap ng Davao del Norte PNP at Tagum City Police Station na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at matiyak ang ligtas at mapayapang pagbisita ng mga mamamayan sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

