Sarangani PPO pinaigting ang kaalaman sa GIS at drone technology

0
19

Pinalakas ng Sarangani Police Provincial Office (SPPO) ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga tauhan nito sa paggamit ng Geographic Information System (GIS) at drone technology bilang mga makabagong kasangkapan sa pagpapatupad ng batas.

Ito ay kasunod ng pagsisimula ng tatlong araw na GIS and Drone Seminar na ginanap sa Greenleaf Hotel, General Santos City noong Setyembre 16, 2026.

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga tauhan mula sa pitong Municipal Police Stations (MPS) at dalawang mobile forces ng SPPO.

Pinangunahan ni PCOL Jerone Orville P. Panganiban, Provincial Director ng SPPO, ang pagbubukas ng aktibidad, na isinagawa sa tulong at suporta ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Sarangani, sa ilalim ni Provincial Governor Rogelio D. Pacquiao.

Layunin ng seminar na mapahusay ang kaalaman at praktikal na kakayahan ng mga pulis sa paggamit ng GIS at drone technology para sa police operations, operational planning, mapping, monitoring, disaster response, at iba pang law enforcement activities.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas mapalalawak ang paggamit ng teknolohiya sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga operasyon, gayundin sa pagtugon sa mga insidente at kalamidad sa lalawigan.

Leave a Reply