2nd Palawan PMFC, nakiisa sa Bloodletting Activity sa El Nido

0
21

Muling ipinakita ng kapulisan ang malasakit sa komunidad matapos makiisa ang 2nd Platoon ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni Police Lieutenant Daniel B Cancino III, Platoon Leader, sa ginanap na Bloodletting Activity sa bayan ng El Nido, Palawan nito lamang September 16, 2026.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagsusulong ng community involvement at humanitarian service, kung saan nakibahagi ang mga personnel ng 2nd Platoon sa isang makabuluhang gawain na naglalayong makatulong sa pagbibigay ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Sa pamamagitan ng boluntaryong pag-donate ng dugo, ipinamalas ng mga kalahok ang diwa ng pagmamalasakit, bayanihan, at pagiging handang tumulong sa kapwa. Ang bawat donasyon ay isang mahalagang tulong sa mga pasyenteng sasailalim sa operasyon, aksidente, o iba pang sitwasyong nangangailangan ng agarang blood transfusion.

Ang pakikiisa ng 2nd Platoon, 2nd Palawan PMFC sa naturang aktibidad ay bahagi ng adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” kung saan patuloy na nagsusumikap ang Pambansang Pulisya bilang mga tagapagpatupad ng batas at aktibong katuwang ng komunidad sa mga gawaing makatao at pangkalusugan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Mh7gaffdm/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply