Santiago CPO – Police Station 3, nagsagawa ng Symposium para sa mga kabataan sa Santiago City

0
115

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa crime prevention at youth empowerment, nagsagawa ang Police Station 3, Santiago City Police Office, sa pamumuno ni PCpt Jeffrey A. Viloria, OIC, katuwang ang City Mobile Force Company at Sangguniang Kabataan ng Barangay Rosario, ng KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) Symposium para sa mga youth athlete ng Barangay Rosario sa Rosario Sports Complex, Santiago City noong Hulyo 19, 2026.

Sa isinagawang symposium, tinalakay ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ang mga usapin kaugnay ng Rape Prevention, Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM). Binigyang-diin ang mga umiiral na batas, mga paraan ng pag-iwas, responsableng paggamit ng social media at digital platforms, pagkilala sa mga palatandaan ng pang-aabuso, at kahalagahan ng agarang pag-uulat ng mga insidente sa mga kinauukulang awtoridad.

Nagbigay rin ng lecture ang mga kinatawan ng City Mobile Force Company hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga at pag-iwas sa violent extremism at terorismo. Hinikayat din ang mga kabataan na maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kanilang komunidad.

Patuloy na pinalalakas ng Police Station 3, katuwang ang iba’t ibang sektor ng komunidad, ang mga programang nakatuon sa kamalayan, pagbibigay ng edukasyon, at paghubog ng mga responsableng kabataan na magiging katuwang sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.

Ang nasabing aktibidad ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pambansang Pulisya na makapaghatid ng makabuluhang serbisyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagbibigay-kapangyarihan sa kabataan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: WCPD Presinto Tres Santiago

Leave a Reply