“Saludo kay Nanay” sa Checkpoint ng Ozamiz City PNP, umarangkada

0
2272

Umarangkada ang “Saludo kay Nanay” Checkpoint ng mga tauhan ng Ozamiz City Police Station kaugnay sa pagdiriwang ng Mother’s Day 2026 sa Ozamiz City, Misamis Occidental nito lamang Linggo, Mayo 10, 2026.

Ito ay naging posible dahil sa pangunguna ni Police Major Agustin Arazo, Officer-In-Charge ng Ozamiz City Police Station, sa gabay ni Police Colonel Reynaldo M. Maclang, MNSA, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office.

Namigay ng libreng bulaklak ang kapulisan sa lahat ng nanay na motorista upang ipadama ang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga ilaw ng tahanan sa kanilang mga sakripisyo at pag-aaruga upang mas mapabuti ang pamilya at maabot ang isang maunlad na komunidad.

Source Ozamiz City Police Station

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply