Php2M halaga ng shabu, nasamsam ng Bulacan PNP; 2 indibidwal, arestado

0
62

Nasamsam ang nasa Php2,040,000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan nito lamang Mayo 10, 2026.

Kinilala ni Police Captain Marc Henry SJ Gonzales, Hepe ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station, ang suspek na isang 48-anyos na businessman at 56-anyos na businesswoman, kapwa residente ng Brgy. Barangka, Baliwag, Bulacan at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 300 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na humigit-kumulang sa Php2,040,000, buy-bust money, isang kahon ng Royce Potato Chip Chocolate, at isang berdeng Toyota Vios.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station, Pulilan MPS, at Bulacan Provincial Drug Enforcement Unit.

“Patuloy nating paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang mamamayan laban sa masamang epekto nito. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng matatag na koordinasyon ng ating kapulisan at ng iba’t ibang law enforcement agencies para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan,” pahayag ni Police Colonel Jay B Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office alinsunod sa layuning mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source Bulacan Police Provincial Office

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply