Sa likod ng uniporme: Pusong naglilingkod ng may malasakit

0
313

Isang patunay ng malasakit sa serbisyo ang ipinakita ni PCpl Mary Grace Taberdo ng RPSB Team, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company matapos niyang buhatin at ilakad ang isang Person with Disability (PWD) sa maputik na daan sa Hacienda Intal, Baggao, Cagayan noong Pebrero 3, 2026.

Mahigit 100 metro niyang pinasan ang biktima ng aksidente na may malubhang pinsala sa paa at may epilepsy, upang maihatid sa Rural Health Unit ng Sitio Marus para sa agarang gamutan.

Ayon kay PCpt Bobby Tumaliuan, Team Leader ng RPSB, ipinakita ng naturang aksyon ang tunay na diwa ng pulis na may puso at malasakit sa komunidad.

Ang RPSB Team ay naka-deploy sa lugar bilang bahagi ng kanilang misyon na hindi lamang panatilihin ang kaayusan kundi maging katuwang ng mamamayan. Para sa mga residente, ang ginawa ni PCpl Taberdo ay simbolo ng sakripisyo at tunay na paglilingkod.

Source: Cagayan Police Provincial Office – Cagayano Cops