Robbery suspect, arestado sa Camarines Sur; Ninakaw na baril, agad narekober sa hot-pursuit operation ng Baao MPS

0
36

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Camarines Sur Police Provincial Office (PPO) na nagbunsod sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspek sa robbery incident kung saan biktima ang isang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Baao, Camarines Sur, noong Agosto 29, 2026.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon at hot-pursuit operation ang Baao Municipal Police Station (MPS) matapos i-report ng biktima ang pagkawala ng kanyang sling bag na naglalaman ng baril at iba pang personal na gamit.

Sa isinagawang follow-up operation ng Investigation and Intelligence/Tracker Team ng Baao MPS, naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Tope.” Nabawi mula sa kanya ang government-issued 9mm Glock 17 pistol ng biktima, kasama ang magazine at tatlong loaded na ekstrang magazine, gayundin ang identification card ng biktima, ATM cards, at iba pang personal na gamit.

Patuloy naman ang hot-pursuit operation ng Baao MPS laban sa natitirang suspek na sinasabing kapatid at umano’y kasabwat ng naarestong indibidwal. Agad namang ipinaalam sa naarestong suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa batas bago siya isinailalim sa medical examination at dinala sa Baao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn G Silvio, Regional Director, nananatiling matatag ang Police Regional Office 5 (PRO5) sa pagpapatupad ng mabilis at maagap na pagtugon laban sa mga gumagawa ng parehong krimen at sa pagbawi ng mga nakaw na kagamitan.

Hinihikayat naman ng PRO5 ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad o insidente upang agad na makapagsagawa ng nararapat na aksyon ang mga awtoridad alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EfPgc2Lxe/

Leave a Reply