RMFB15, pinasinayaan ang bagong ayos na gusali para sa mas mahusay na serbisyo-publiko

0
51

Pormal na pinasinayaan at binasbasan ang bagong ayos na gusali ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) noong Agosto 13, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office Cordillera (PRO CAR) na mapahusay ang kalidad ng serbisyo publiko. Dumalo bilang panauhing pandangal at tagapagsalita si PRO CAR Regional Director PBGen Ericson D. Dilag, kasama ang mga key officers at personnel ng rehiyon.

Pinangunahan naman ni PLtCol Joey Jonathan B. Bagayao, Acting Force Commander ng RMFB15, ang programang nagmarka sa pagkumpleto ng repair project na nagsimula noong Nobyembre 17, 2025 at natapos noong Abril 16, 2026. Sa pamamagitan ng pagsasaayos, naging mas ligtas, functional, at maayos ang pasilidad bilang suporta sa kapakanan, morale, at kahandaan ng mga tauhan.

Binigyang-diin ni PBGen Dilag na higit pa sa pisikal na pagpapahusay ng gusali ang proyekto, dahil sinasalamin nito ang commitment ng PRO CAR na mabigyan ang mga tauhan ng maayos na workplace na makatutulong sa mas mahusay na organisasyon, koordinasyon, efficiency, at service delivery. Aniya, mahalaga ang isang maayos na working environment upang mapanatili ang kahandaan ng mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Alinsunod sa Management of Resources pillar ng Focused Agenda ng PNP Chief, patuloy na pinahahalagahan ng PRO CAR ang wastong paggamit at pagpapaunlad ng mga police assets upang higit na mapalakas ang operational capability at serbisyo sa publiko.

Source: PRO CAR

Leave a Reply