Isinulong ng 1202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB 12) ang adbokasiya nito laban sa bullying at sa pagsulong ng ligtas at inklusibong komunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng kamalayan hinggil sa Anti-Bullying Act of 2013 o ang Republic Act No. 10627 at Safe Spaces Act o ang Republic Act No. 11313 noong Agosto 2, 2026 sa Lambayong Municipal Hall, Lambayong, Sultan Kudarat.
Pinangunahan ni Police Captain Xy-Jay M. Meneses, Deputy Company Commander, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Paul Edwin D. Deocampo, Company Commander, ang nasabing aktibidad na isinagawa kasabay ng Islamic Leadership Meeting, sa pakikipagtulungan ng Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs (SKOMA).
Dinaluhan ang programa ng mga tauhan ng RMFB 12, Islamic Religious Leaders, at mga kinatawan ng SKOMA upang palawakin ang kaalaman sa pag-iwas sa bullying, itaguyod ang mga probisyon ng Safe Spaces Act, at hikayatin ang kultura ng paggalang, pagiging inklusibo, at propesyonalismo.
Tinalakay rin ang wastong pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pagpupulong at ang pagpapalakas ng koordinasyon ng iba’t ibang sektor para sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad ng komunidad.
Patuloy na isinusulong ng RMFB 12 ang mga programang nagtataguyod ng ligtas, magalang, at inklusibong pamayanan sa pamamagitan ng matatag na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor at aktibong pakikilahok ng komunidad, alinsunod sa adhikain ng Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.
Source: Regional Mobile Force Battalion 12



