Naaresto ng mga tauhan ng Salcedo Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking may kinahaharap na kasong Statutory Rape at Rape by Sexual Assault sa isinagawang pagpapatupad ng warrant of arrest bandang 9:40 ng umaga noong Agosto 2, 2026 sa Barangay San Gaspar, Salcedo, Ilocos Sur.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Emit,” residente ng Barangay Poblacion Sur, Salcedo, Ilocos Sur. Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na may Criminal Case No. 5276-C, na walang inirekomendang piyansa. Nahaharap din siya sa kasong Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A (2) ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(B) ng Republic Act No. 7610, na may Criminal Case No. 5277-C, kung saan itinakda ang piyansang Php200,000.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa himpilan ng Salcedo MPS para sa kaukulang dokumentasyon bago siya isinailalim sa tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa mga wanted person upang matiyak ang agarang pagpapatupad ng mga kautusan ng hukuman at mapanagot ang mga akusado sa ilalim ng umiiral na batas.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Salcedo MPS



