Rizal PNP, naghatid ng pag-asa at suporta sa 197 estudyante sa pamamagitan ng Project PHILEO

0
451

Hindi maitago ang tuwa at pasasalamat ng bawat estudyanteng pinagkalooban ng scholarship assistance, school supplies, at allowances ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) sa ginanap na makabuluhang aktibidad sa Covered Court ng Camp MGen Licerio I. Geronimo noong Enero 14, 2026.

Sa ilalim ng “Project PHILEO” (Brotherly Love), layon ng Rizal PNP na tulungan ang 197 kabataang mag-aaral na magkaroon ng kaunlaran ang kinabukasan sa pamamagitan ng direktang pagsuporta sa kanilang akademikong pangangailangan.

Sa munting programa, ipinapakita nito ang “serbisyong nararamdaman” ng PNP para sa komunidad hindi lamang sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan.

“Ang programang ito ay hindi lamang tungkol sa materyal na tulong. Ito ay simbolo ng malasakit ng ating mga pulis sa komunidad—na kahit sa simpleng paraan, ay maipadama natin na andiyan kami para sa kanila,” ani Acting PNP Chief PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Binigyang-lakas din ng PNP ang loob ng mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mangarap nang mataas, kasabay ng pagtitiyak na patuloy na magiging katuwang ng kabataan ang kapulisan.