RD PBGen Rodriguez, personal na sinuri ang seguridad sa mga sementeryo sa Tuguegarao City

0
79

Personal na sinuri ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), ang seguridad at kahandaan ng mga tauhan ng pulisya sa Tuguegarao Memorial Cemetery at Tuguegarao City Public Cemetery noong Nobyembre 1, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na hakbang pangseguridad sa ilalim ng Oplan UNDAS 2026.

Layunin ng inspeksyon na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga security measures sa gitna ng pagdagsa ng mga mamamayang dumadalaw upang magbigay-pugay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ni PBGen Rodriguez ang kahandaan at pagkakatalaga ng mga pulis, kabilang ang pagsunod sa Police Operational Procedures (POPs), wastong pagsusuot ng uniporme, at pagkakaroon ng kinakailangang kagamitan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina, pagiging alerto, at kahandaan upang matiyak ang maayos na pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Pinaalalahanan din niya ang mga tauhan na manatiling mapagmatyag, magiliw, at maagap sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko. Hinikayat naman ang mga dumadalaw sa mga sementeryo na sundin ang mga paalala sa kaligtasan at mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng Undas upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente.

Sa pamamagitan ng patuloy na inspeksyon at pangangasiwa, pinagtitibay ng PRO2 ang pangako nitong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at matiyak ang ligtas na paggunita ng Undas 2026 alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO2 (https://www.facebook.com/share/p/1D2aGvPyV1/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply