RCEU2 ng PRO2, kinilala bilang Best Regional Communications and Electronics Unit sa 84th CES Founding Anniversary

0
179

Kinilala ang Regional Communications and Electronics Unit 2 (RCEU 2) ng Police Regional Office 2 (PRO2) bilang Best Regional Communications and Electronics Unit sa pagdiriwang ng ika-84 Founding Anniversary ng Communications and Electronics Service (CES) noong Agosto 15, 2026.

Sa pagdiriwang na may temang “Moderno at Matatag na Komunikasyon para sa Bagong PNP, Mabilis na Ugnayan, Paglilingkod na Tapat at Nararamdaman,” binigyang-diin ang mahalagang papel ng Communications and Electronics Service sa pagpapanatili ng maaasahan, ligtas, at mabilis na komunikasyon at information technology support para sa mga operasyon ng kapulisan. Tampok din sa okasyon ang pagkilala sa mga natatanging yunit at personnel na nagpakita ng kahusayan, propesyonalismo, at dedikasyon sa kanilang tungkulin.

Bukod sa RCEU 2, kinilala rin sina PLtCol Marshal Dumacyon bilang Senior Commissioned Officer of the Year – RCEU Level, Administrative Category, at PCpt Elmer V. Kildo, Chief, Provincial Tactical Operations Center at ICT Team Leader ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, para sa kanilang natatanging serbisyo at ambag sa communications at information technology operations. Pinuri naman ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director, ang mga awardees at binigyang-diin na ang kanilang tagumpay ay patunay ng dedikasyon, kakayahan, at propesyonalismo ng mga tauhan ng PRO2.

Patuloy na pinagtitibay ng PRO2 ang pagsusulong ng makabago, maaasahan, at ligtas na sistema ng komunikasyon bilang mahalagang bahagi ng mahusay na pagpapatupad ng batas at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply