Rank 8 Regional Most Wanted Person sa kasong Murder, arestado ng PRO NIR sa Himamaylan City

0
40
Screenshot

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) ang isang Rank 8 Regional Most Wanted Person sa kasong Murder sa isinagawang operasyon dakong 12:21 ng hapon nito lamang October 5, 2026 sa Crossing Antolo, Brgy. Suay, Himamaylan City, Negros Occidental.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Le,” 48-anyos, walang trabaho at residente ng Sitio Cabagal, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.

Ang suspek ay inaresto ng Himamaylan Component City Police Station ng Negros Occidental Police Provincial Office katuwang ang 3rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB NIR), at Regional Intelligence Unit NIR-Provincial Intelligence Team Negros Occidental sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansang inirekomenda.

“This arrest shows that there is no safe place for those who evade the law. We will continue to track down wanted persons and ensure that they face the proper legal process. Our operations will remain firm, focused, and lawful,” (Ipinapakita ng pag-arestong ito na walang ligtas na lugar para sa lahat ng mga nagtatago sa batas. Patuloy naming tutugisin ang mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest at titiyaking haharap sila sa nararapat na prosesong legal. Mananatili namang matatag, nakatuon, at naaayon sa batas ang aming mga operasyon), pahayag pa ni PBGen Rudecindo L Reales, Regional Director ng PRO NIR.

Patunay lamang ang matagumpay na operasyon sa dedikasyonng PRO NIR na tugisin ang lahat ng mga pugante at indibidwal na patuloy na nagtatago sa batas upang masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng lahat ng mga Negrense alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/14yCgo7zjcR/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply