Leyte PPO, nakapagtala ng limang baril sa kampanya kontra boga

0
46

Tinatayang umabot sa limang baril ang matagumpay na narekober ng Leyte Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Celerino M Sacro Jr., Provincial Director, nito lamang October 4, 2026 sa mga bayan ng Isabel, Palompon, Tunga, Baybay City, at Alangalang, Leyte.

Isinagawa ang nasabing magkakahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company (PMFC), na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joel M Nicha, Force Commander; Alangalang Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Godofreed C Zantua, Chief of Police; Palompon MPS  sa pangunguna ni Police Major Rushty C Alvarado, Officer-in-Charge; Isabel MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Sergio M Llaneta III, Officer-In-Charge; at Tunga MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Ronald S Pedrique, Officer-In-Charge.

Unang narekober ng 1st Leyte PMFC saBaybay City,  ang isang 12-gauge shotgun na walang mga markings kasama ang dalawang live shotgun shell, na boluntaryong isinuko ng isang 35-anyos na magsasaka mula sa Brgy. Guadalupe, Inopacan, Leyte.

Sa Alangalang, Leyte, narekober naman ng Alangalang MPS ang isang improvised caliber .38 firearm na walang serial number kasama ang live ammunition, na isinuko naman ng isang 49-anyos na residente ng Brgy. San Vicente, Alangalang, Leyte.

Sa Palompon, Leyte, narekober naman ng Palompon MPS ang isang improvised homemade na baril na mas kilala sa tawag na “Sumpak,” mula sa isang 54-anyos na Barangay Councilor mula sa Brgy. Central 2, Palompon, Leyte. Parehong baril din ang isinuko sa Isabel, Leyte mula sa  isang 57-anyos na residente ng Brgy. Marvel, Isabel, Leyte.

Samantala, sa Tunga, Leyte, isinuko rin ng isang 57-anyos na Barangay Kagawad mula sa Brgy. Astorga ang isang improvised shotgun.

Bahagi ang nasabing mga operasyon sa mas pinaigting na kampanya ng Leyte PPO kontra boga na pinagtibay pa ng iba pang mga community-based initiatives na may layuning hikayatin ang publiko na boluntaryong isuko ang kanilang mga hindi awtorisadong baril para sa kaligtasan ng lahat na nakabatay sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“I commend the personnel of the 1st LPMFC, Alangalang MPS, Palompon MPS, Isabel MPS, and Tunga MPS for their continued vigilance and efforts in accounting for loose firearms in their respective communities. We will sustain our Kontra Boga campaign to keep our police service Seen and Felt in the communities we serve.” (Pinupuri ko ang mga tauhan ng 1st Leyte PMFC, Alangalang MPS, Palompon MPS, Isabel MPS, at Tunga MPS sa kanilang patuloy na pagiging mapagmatyag at pagsisikap na matukoy at makuha ang mga hindi rehistradong baril sa kani-kanilang mga komunidad. Ipagpapatuloy natin ang ating kampanyang “Kontra Boga” upang matiyak na ang serbisyo ng ating kapulisan ay nakikita at nararamdaman sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran), giit pa ni PCol Sacro.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DotmnG7hr/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply