Rank 7 Most Wanted Person ng SOCCSKSARGEN sa kasong 17 counts of qualified theft, arestado ng PRO 12 sa Cotabato

0
40

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 12 ang Regional No. 7 Most Wanted Person sa isinagawang pinagsanib na manhunt operation sa Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato bandang 11:20 ng umaga noong Agosto 1, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naaresto sa alyas na Bonito, 35 taong gulang na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 17 Counts of Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php310,000.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 1203rd Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB 12), Midsayap Municipal Police Station Tracker Team, at iba pang intelligence at support units.

Ang bawat wanted na naaaresto ay patunay na patuloy na umiiral ang batas. Hindi titigil ang PRO 12 sa pagtugis sa mga taong may pananagutan upang maihatid ang hustisya at mapanatili ang kapayapaan sa ating mga komunidad,” saad ni PBGen Manibog.

Source Police Regional Office 12

Leave a Reply