Rank 4 Municipal Most Wanted Person sa kasong acts of lasciviousness, arestado ng Calumpit PNP

0
34

Arestado ng Tracker Team ng Calumpit Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Regional Mobile Force Battalion 3 na kabilang sa listahan ng Top 4 Most Wanted Person Municipal Level bandang 1230 ng tanghali noong Agosto 1, 2026, sa Brgy. Poblacion, Calumpit, Bulacan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leopoldo L Estorque Jr.,  hepe ng Calumpit MPSang suspek na isang 45 taong gulang na binata, at residente ng MacArthur Highway, Brgy. Poblacion, Calumpit, Bulacan na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(b) ng Republic Act No. 7610, as amended by Republic Act No. 11648 na may Criminal Case No. 4317-M-2023 na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Patuloy nating pinalalakas ang ating kampanya laban sa mga wanted na personalidad upang matiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mapapanagot sa kanilang mga ginawa. Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng ating kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at katarungan sa lalawigan ng Bulacan.”

Source ng Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply