Naaresto ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA, sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher R Dela Cruz, Regional Director, ang Rank 6 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa bayan ng Quezon, Palawan, noong September 29, 2026.
Isinagawa ang operasyon bandang 9:09 ng umaga, sa pangunguna ng Quezon Municipal Police Station (MPS), na pinamumunuan ni PCpt Pelerico N Calingao, Officer-In-Charge, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Palawan Police Provincial Office (PPO); Police Intelligence Team-Palawan ng Regional Intelligence Unit 4B; 4th Platoon ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company; 401st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4B; at ang PNP Maritime Group 2nd Special Operations Unit, Quezon Sub-Base sa sa Brgy. Alfonso XIII ng nasabing bayan.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong August 17, 2026 sa kasong murder ng walang piyansang inirekomenda. Agad na isinailalim sa kustodiya ng Quezon MPS ang suspek para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Iniugnay naman ni PBGen Dela Cruz ang naturang tagumpay sa walang sawang pakikipagtulungan ng PNP sa ibang ahensya ng pamahalaan at higit sa lahat sa buong komunidad na patuloy na nakikiisa sa adhikain ng pamahalaan upang mapanagot ang lahat ng mga nagtatago sa batas alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Aniya, “This arrest demonstrates the importance of sustained intelligence efforts and close coordination among our units in locating individuals sought by the courts. We will continue to strengthen these efforts and pursue wanted persons wherever they may be found within our area of responsibility” (Ipinapakita ng pag-arestong ito ang kahalagahan ng patuloy na pagsisikap at walang humpay na koordinasyon sa pagitan ng ating mga yunit upang matunton ang mga wanted na indibidwal. Patuloy nating palalakasin ang mga kampanyang ito at tugisin ang lahat ng mga nagtatago sa batas saanman sila matatagpuan lalo na sa aming area of responsibility). Source: https://www.facebook.com/share/p/1Zju9Jno26/?mibextid=wwXIf

