Rank 6 Most Wanted Person sa Pangasinan, arestado ng PRO1 sa kasong statutory rape

0
45

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang Rank 6 Most Wanted Person Provincial Level na nahaharap sa kasong statutory rape sa Brgy. Ariston East, Asingan, Pangasinan, dakong 5:10 ng hapon, noong Oktubre 18, 2026.

Kinilala ang naarestong akusado sa alyas na “Junior,” 57 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing brgy.

Pinangunahan ng Asingan Police Station, katuwang (MPS) ang Provincial Intelligence Team Pangasinan at Regional Intelligence Unit, ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pag-aresto, isinailalim ang akusado sa medikal na pagsusuri sa Asingan Community Hospital bago dinala sa Asingan Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.

Ipinapakita ng pagkakaarestong ito ang patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ng iba’t ibang yunit nito, na matunton ang mga wanted person at matiyak na haharap sila sa kaukulang proseso ng batas, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa bawat komunidad sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Asingan MPS

Leave a Reply