Rank 6 City Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado sa Oas, Albay

0
84

Arestado ang rank 6 City Most Wanted Person ng lungsod ng Ligao sa isinagawang manhunt operation ng kapulisan sa Oas, Albay nito lamang tanghali ng Hulyo 20, 2026.

Matagumpay na naisakatuparan ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest laban sa akusadong kinilala sa alyas na “Tot”, nasa hustong gulang at residente ng Oas, Albay na nahaharap sa kasong Rape through Sexual Assault sa ilalim ng Art. 266-A na inamiyendahan ng Republic Act 8353 na may piyansang Php120,000.00 at para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Art. 266-A ng Revised Penal Code na kinatigan ng Republic Act 11648.

Ayon kay PCol Noel Donato Nuñez, Provincial Director ng Albay PNP, nananatiling prayoridad ng Albay Kasurog Cops ang pagpapaigting ng intelligence-driven manhunt operations upang matunton at maaresto ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong kriminal at nagtatago sa batas.

Ang matagumpay na operasyong ito ay isang malinaw na patunay ng adbokasiyang Serbisyong Noel na layong maghatid ng paglilingkod na nararapat, organisado, epektibo at laging maaasahan ng mga mamamayan na nakabatay sa bisyon ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Sa bawat wanted person na nahuhuli at naihaharap sa hustisya, lalo pang napalalakas ang seguridad ng komunidad at ang tiwala ng mamamayan sa mga kapulisan na tunay na naglilingkod at nagtatanggol.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply