Rank 3 Station Most Wanted Person, arestado ng Muntinlupa PNP sa kasong Child Abuse

0
289

Naaresto ng Muntinlupa City Police Station ang Rank 3 Most Wanted Person sa Station Level sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse bandang alas-3:00 ng hapon, Marso 1, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas “Charrie,” isang 35-anyos na construction worker, ay naaresto mismo sa kanyang tirahan sa kahabaan ng Amparo St., Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Isinagawa ang operasyon ng Warrant and Subpoena Unit sa pamumuno ni PCol Robert C. Domingo, Hepe ng Muntinlupa City Police Station.

Ang pag-aresto ay isinakatuparan sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 10(A) ng Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may itinakdang piyansa na Php80,000 sa bawat bilang.

Pinuri ni PBGen Randy Y. Arceo, District Director ng Southern Police District, ang Muntinlupa police force sa kanilang kahusayan sa pagtunton at pag-aresto sa mga mataas na ranggong wanted na indibidwal. Binigyang-diin niya na nananatiling nakatuon ang SPD sa pangangalaga sa mga bata at sa agarang paghahatid ng hustisya sa loob ng distrito.

Source: SPD / https://www.facebook.com/share/p/1GK4WnezDa/