Php527,000 halaga ng shabu, nasabat sa Valencia City; 3 indibidwal, arestado

0
253

Arestado ang tatlong indibidwal matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakasabat ng tinatayang Php527,000 halaga ng hinihinalang shabu noong Linggo ng hapon, Marso 1, 2026 sa Purok 13, Poblacion, Valencia City, Bukidnon.

Kinilala ni Police Colonel Oliver S Navales, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Yan,” 37 anyos, drayber at residente ng Purok 20, Poblacion, Valencia City; “Bob,” 43 anyos, construction worker mula sa Purok 5, Patpat, Malaybalay City; at “Remo,” 48 anyos, drayber at residente ng Sumpong, Malaybalay City.

Naging matagumpay ang operasyon ng mga tauhan ng Bukidnon Police Drug Enforcement Unit sa tulong ng Bukidnon Police Intelligence Unit, Valencia City Police Station, at City Anti-Drug Special Unit Team, Philippine Drug Enforcement Agency.

Narekober sa naturang operasyon ang Php527,000 halaga ng shabu at iba pang non-drug items.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Patunay ng walang humpay ang pagsisikap ng Bukidnon PNP at ng lokal na pamahalaan sa tulong at kooperasyon ng mga mamamayan upang masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa komunidad.

Panulat ni JRU Criminology Intern Mikaela E Villaflores