Rank 3 Regional Most Wanted sa kasong 3 counts of qualified rape, arestado ng PRO MIMAROPA sa Romblon

0
60
Screenshot

Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO-MIMAROPA), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director, ang itinalagang Top 3 Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon dakong 1:05 ng hapon nito lamang August 16, 2026.

Nanguna sa operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Cajidiocan Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PCpt Mary Jade M. Gaca, Officer-In-Charge, katuwang ang Regional Intelligence Unit 4B, Provincial Intelligence Team Romblon, Romblon Provincial Intelligence Unit, 3rd Platoon ng Romblon Provincial Mobile Force Company, at Romblon Maritime Police Station.

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong July 22, 2026, dahil sa tatlong  bilang ng Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(d) ng Revised Penal Code, na inamiyendahan ng Republic Act No. 8353 at 11648, nang walang piyansang inirekomenda.

Kinilala naman ni PBGen Dela Cruz ang koordinado at maagap na operasyon ng kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing high-ranking suspect.

Aniya, “This accomplishment demonstrates the value of sustained intelligence work and close coordination among our police units. I commend our operating personnel for their vigilance and determination in locating this wanted person and ensuring that he is brought before the proper authorities to face the charges against him.”

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cajidiocan MPS ang naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Bahagi ang matagumpay na pag-aresto sa pinaigting na kampanya ng PRO-MIMAROPA kontra kriminalidad alinsunod sa F.I.G.H.T. C.R.I.M.E.S. framework at sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EjAoFmwZX/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply