64 wanted persons, arestado ng PRO5 sa isang linggong operasyon

0
83

Matagumpay na nakapag-aresto ang Police Regional Office 5 (PRO 5) ng kabuuang 64 wanted persons sa isinagawang pinaigting na operasyon mula Agosto 10 hanggang 16, 2026, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted individuals.

Sa kabuuang bilang, isa ang regional level na naaresto, apat naman ang provincial level, isa ang city level, labing-isa naman ang municipal level, at 47 iba pa.

Isinagawa ang mga operasyon sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagtunton, beripikasyon, at pag-aresto sa mga wanted person ng mga tauhan ng PRO5 at mga police unit sa buong Bicol Region.

Pinatutunayan ng mga accomplishment na ito ang patuloy na kahandaan at dedikasyon ng kapulisan na ipatupad ang mga warrant of arrest at iba pang kaukulang proseso upang maiharap sa batas ang lahat ng mga wanted individuals.

Ang naturang mga operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng PNP Focused Agenda at Enhanced Managing Police Operation (EMPO), na naglalayong palakasin ang police presence, paghusayin ang operational efficiency, at magkaroon ng mas nakatuon at mabilis na pagtugon sa mga insidente ng kriminalidad.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director ng PRO5, patuloy na pinaiigting ng tanggapan ang intelligence-driven at community-focused operations upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Binigyang-diin ni PBGen Miranda ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng kapulisan at pakikipagtulungan ng komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga Bicolano at maisulong ang hustisya para sa mga biktima ng krimen. Ang pagkakahuli sa 64 na wanted persons ay patunay ng patuloy na paninindigan ng PRO5 na panagutin ang mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ng wastong proseso ng batas at higit pang palakasin ang seguridad sa buong Bicol Region.

Source: https://www.facebook.comsharep182Xuyj6Lx

Leave a Reply