Rank 3 Most Wanted Person ng Bulacan sa kasong murder, arestado ng PRO1 sa La Union

0
379

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang isang suspek na itinalagang Rank 3 Most Wanted Person (MWP) ng lalawigan ng Bulacan matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa Brgy. Cabarsican, Bacnotan, La Union, dakong 11:20 ng umaga noong Nobyembre 1, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng Bacnotan Municipal Police Station (MPS) bilang lead unit, katuwang ang La Union Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Intelligence Division 1 (RID) ng Police Regional Office (PRO1), at La Union Police Intelligence and Detective Management Unit (PIDMU).

Kinilala ang naaresto na si alyas “Ruben,” residente ng Teachers Village, San Jose del Monte City, Bulacan, at nadakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong murder, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ipinapakita ng matagumpay na operasyon ang patuloy na pinaigting na koordinasyon at intelligence-driven operations ng mga yunit ng kapulisan upang matiyak na ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso ay mananagot sa batas.

Patuloy namang hinihikayat ng PRO1 ang publiko na makipagtulungan at magbahagi ng impormasyon sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng bawat komunidad alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Bacnotan MPS https://www.facebook.com/share/p/1CEKHBLuUw/

Leave a Reply