Rank 2 Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 7610, arestado ng Obando Cops

0
24

Arestado ng mga Tracker Team ng Obando Municipal Police Station ang isang Rank 2 Most Wanted Person Municipal Level sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Bunducan, Bocaue, Bulacan bandang 6:30 ng gabi noong Oktubre 20, 2026.

Kinilala ni Police Major Erickson S Miranda, ang suspek na si alyas “Inchan”, 38 taong gulang, residente ng Brgy. Bunducan, Bocaue, Bulacan na dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Article 366 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5(B) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may kaugnayan sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Criminal Case No. 3114-M-2025 na may inirekomendang piyansang Php 360,000.

Sa pahayag ni PCol Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “patuloy na paiigtingin ng Bulacan PPO ang pagtugis sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang mga akusado ay maihaharap sa kaukulang proseso ng batas at mapanagot alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.”

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply