Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang Rank 1 Most Wanted Person (MWP) ng lalawigan ng Laguna sa ipinatupad na joint law enforcement operation sa Brgy. Buhangin, Naujan, Oriental Mindoro dakong alaa 10:30 ng umaga nito lamang September 23, 2026.
Isinagawa ang pag-aresto ng Tracker Team ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Oriental Mindoro Provincial Field Unit (PFU), katuwang ang San Pablo City Police Station, Naujan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Oriental Mindoro, Regional Intelligence Unit 4B, 21st Special Action Company, 403rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4B, at Technical Support Company, RMFB 4B.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 30, San Pablo City, Laguna, dahil sa kasong murder, na walang piyansang inirekomenda.
Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng CIDG Oriental Mindoro PFU ang suspek para sa iba pang mga dokumentasyon at tamang disposisyon.
Samantala, giit naman ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng PRO MIMAROPA, na malaki ang kontribusyon ng maayos na koordinasyon ng iba’t ibang mga yunit ng pulisya upang matukoy ang kinaroroonan ng nasabing wanted person.
Aniya, “This arrest shows the importance of coordination among our units, especially when wanted persons move from one area to another. We will continue to work together to locate those with standing warrants and bring them before the proper court, while ensuring that every arrest is conducted in accordance with the law.” (Ipinapakita ng pag-arestong ito ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng ating mga yunit, lalo na kapag tahasang lumilipat ang mga taong may nakabinbing warrant para tumakas sa batas. Patuloy tayong magtutulungan upang matunton ang mga indibidwal na nagtatago sa batas upang maiharap sila sa tamang hukuman, habang tinitiyak na ang bawat pag-aresto ay isinasagawa nang naaayon sa batas).
Alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy ang kampanya ng PRO MIMAROPA kontra sa lahat ng uri ng kriminalidad sa rehiyon sa pamamagitan ng intelligence gathering, information sharing, at maayos na koordinasyon.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CJ6qAvyzB/?mibextid=wwXIfr
