Rank 1 Most Wanted Person sa Narvacan, arestado sa kasong statutory rape

0
15

Naaresto ng Tracker Team ng Narvacan Police Station ang Top 1 Most Wanted Person sa antas ng munisipyo na kilala sa alyas na “Janong” bandang 6:00 ng gabi noong Hulyo 31, 2026 sa Barangay Lungog, Narvacan, Ilocos Sur.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PCpt Jumar V. Castro. Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape, na walang rekomendasyong  piyansa.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine. Gumamit din ang arresting team ng Alternative Recording Device (ARD) bilang bahagi ng dokumentasyon upang matiyak ang maayos at transparent na pagsasagawa ng operasyon.

Matapos sumailalim sa medical examination sa ISDH-Narvacan, dinala ang akusado sa kustodiya ng Narvacan Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa tamang hukuman.

Patuloy na pinaiigting ng Narvacan Police Station ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng pagsisikap na maipatupad ang batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Kaakibat nito ang pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na layuning maihatid ang maagap, tapat, at epektibong serbisyo para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Narvacan PS

Leave a Reply