Arestado ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office sa pamamagitan ng Provincial Intelligence Unit, katuwang ang Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Malolos City Police Station ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa lalawigan ng Bulacan nito lamang Agosto 3, 2026 sa Brgy. Guinhawa, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Kinilala ni Police Major Mark Anthony E Tiongson, Acting Chief, Bulacan PIU, ang suspek na isang 18 taong gulang na lalaki, at residente ng Brgy. Bangkal, Malolos City na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong (3 Counts) Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case Nos. 46-MAL-2026, 47-MAL-2026, at 48-MAL-2026 na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, pinuri ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang dedikasyon at koordinasyon ng mga operatiba ng PIU, Bulacan 1st PMFC, at MCPO sa matagumpay na operasyon laban sa mga wanted na personalidad.
Ang pagkakaaresto sa Top 1 Most Wanted Person sa Bulacan ay patunay ng ating mas pinaigting na kampanya laban sa mga kriminal at sa walang humpay na pagtupad ng ating tungkulin upang maipatupad ang batas at mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng krimen.
Source Bulacan Police Provincial Office



