Raliyista, papunta na sa Mendiola; PNP, patuloy ang pagbibigay seguridad

0
348

Papunta na sa Mendiola ang mga raliyista na nagsagawa ng kilos-protesta kaugnay sa Labor Day 2026 nito lamang Biyernes, Mayo 1, 2026.

Ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng liderato ni Police Major General Anthony Aberin, Regional Director, maayos ang daloy ng kilos-protesta at nakaantabay ang pulisya sa pagbibigay ng seguridad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan habang nirerespeto ang freedom of speech ng mga raliyista.

Samantala, patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan, pagbibigay ng seguridad at maximum tolerance upang maiwasang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng kapulisan at raliyista tungo sa isang tahimik na pagdiriwang sa Araw ng Manggagawa.

Leave a Reply