Naka-full alert status ang pamunuan ng Bataan Police Provincial Office bilang paghahanda sa paggunita sa Labor Day 2026 sa Mayo 1, 2026.
Pinangunahan ni Police Colonel Marites A Salvadora, Provincial Director, Bataan Police Provincial Office, ang accounting ng mga tauhan bandang 9:00 PM noong April 30, 2026 upang tiyakin ang kahandaan sa deployment.
Kabuuang 61 personnel ang itatalaga bilang CDM contingents, habang 50 personnel naman ang bahagi ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) para sa agarang pagresponde kung kinakailangan.
Layunin nito na mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at seguridad ng publiko sa buong aktibidad ng Labor Day.
Source: Maraviles Tribune



