Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyo sa komunidad, nagsagawa ng riprap restoration ang Revitalized–Pulis sa Barangay (R-PSB) Team ng Tubo (Zone 3) noong Agosto 19, 2026, sa Brookside, Barangay Dilong, Tubo, Abra, upang mapatatag ang isang vehicle turning point na naapektuhan ng erosion at makatulong sa kaligtasan ng mga motorista at residente.
Isinagawa ang aktibidad simula alas-8:00 ng umaga ng mga tauhan ng Tubo Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PEMS Froilan W. Wagayen, katuwang ang 2nd Abra Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pamumuno ni PCpl Jomel B. Bingcola. Maingat na ibinalik at inayos ng mga tauhan ang mga nagkalat na bato sa eroded section upang mapahusay ang stability ng turning point at makapagbigay ng mas ligtas na espasyo para sa mga sasakyang nagmamaniobra at lumiliko sa lugar.
Ipinakita ng naturang inisyatiba ang diwa ng bayanihan, malasakit, at serbisyong higit pa sa karaniwang tungkulin ng pulisya, lalo na sa pagtugon sa mga panganib na maaaring makaapekto sa komunidad. Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng PNP na maging katuwang ng mamamayan sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran, alinsunod sa pagsusulong sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Abra Tubo (https://www.facebook.com/share/v/17J1mmveds/?mibextid=wwXIfr)



