2 drug personalities, arestado sa drug buy-bust operations ng PRO6; Php904.4K halaga ng hinihinalang shabu, narekober

0
146
Screenshot

Naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang dalawang drug personalities sa magkahiwalay na intelligence-driven buy-bust operations sa Iloilo City at Balasan, Iloilo noong Agosto 18, 2026.

Kabuuang humigit-kumulang 133 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na PhP904,400.00 ang nasamsam sa dalawang operasyon.

Dakong 11:50 ng gabi sa Barangay Kauswagan, City Proper, Iloilo City, naaresto si alyas “Nash,” 18 taong gulang, binata, at residente ng lungsod, matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer.

Nasamsam sa operasyon ang 10 sachet at isang knot-tied plastic bag na naglalaman ng kabuuang humigit-kumulang 80 gramo ng hinihinalang shabu na may SDP na PhP544,000.00. Narekober din ang buy-bust money, hinihinalang proceeds money, at iba pang drug at non-drug items.

Pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU 6) ang operasyon, katuwang ang Regional Intelligence Division 6 (RID 6), PDEG Special Operations Unit 6 (SOU 6), at Iloilo City Police Station 1 (ICPS 1).

Samantala, dakong 4:30 naman ng hapon sa Barangay Ipil, Balasan, Iloilo, naaresto si alyas “Jr.,” 29 taong gulang, binata, at residente ng nasabing lugar, sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Balasan Municipal Police Station.

Nakumpiska mula sa operasyon ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item, na may kabuuang tinatayang timbang na 53 gramo at SDP na PhP360,400.00, bukod pa sa buy-bust money at iba pang non-drug items.

“Ang dalawang matagumpay na operasyon ay patunay ng ating patuloy na pagtugis sa mga High-Value Individuals na sangkot sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, validation, surveillance, at koordinadong operasyon, napipigilan natin ang pagkalat ng ilegal na droga sa ating mga komunidad,” pahayag ni PRO6 Regional Director Police Brigadier General Randulf T Tuaño. “Hindi tayo titigil. Patuloy nating paiigtingin ang intelligence-driven law enforcement operations upang matukoy at mapanagot ang mga drug personalities, suppliers, at kanilang mga network. Kasabay nito, hinihikayat natin ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahong impormasyon,” dagdag

Leave a Reply