Matagumpay na isinagawa ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), katuwang ang Humanitarian Order of Sierra Falconès, Inc. – Quirino Chapter, Fraternal Order of Eagles, at Diffun Police Station, ang turnover ng mga donasyong aklat sa Luttuad Elementary School sa Diffun, Quirino, noong Agosto 22, 2026.
Pinangunahan ang inisyatiba sa pakikipagtulungan ng mga nabanggit na organisasyon at partner institutions bilang bahagi ng kanilang layuning mapalawak ang learning resources ng mga mag-aaral at mahikayat ang mga kabataan na linangin ang kanilang hilig sa pagbabasa. Malugod namang tinanggap ni Elisa S. Marcelino, OIC-School Head ng Luttuad Elementary School, ang mga aklat para sa mga mag-aaral.
Ipinagkaloob ang mga aklat sa pamamagitan ng Diwa Learning Systems, Inc., C&E Foundation, Inc., C&E Publishing, at Bato Balani Foundation, Inc. Ang mga donasyong ito ay makatutulong sa pagpapalawak ng learning materials ng paaralan at pagbibigay sa mga mag-aaral ng higit na pagkakataong matuto, mangarap, at makamit ang kanilang mga mithiin. Higit pa sa mga aklat, hatid ng programa ang kaalaman, pag-asa, at oportunidad para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Patuloy na isinusulong ng QPPO, katuwang ang mga paaralan, civic organizations, at private partners, ang mga programang naglalapit ng serbisyo at oportunidad sa komunidad tungo sa mas produktibo at maunlad na pamayanan.
Source: Quirino PPO Valley Cops



