Nagsagawa ng gift-giving activity sa isang batang Person With Disability (PWD) sa Brgy. Maasin, Quezon, Nueva Vizcaya nito lamang ika-20 ng Mayo, 2026.
Pinangunahan ng Quezon Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Santy C. Ventura, COP, katuwang si Ms. Jennie Lyn Ballestra, Municipal Advisory Group (MAG) member at PWD Focal Person, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng Project ABAKADAE.
Ang Project ABAKADAE o “Aksyon sa Bata para sa Kaligtasan Dala ang Edukasyon” ay naglalayong maghatid ng malasakit, suporta, at inspirasyon sa mga kabataan at vulnerable sectors ng komunidad.
Nakipagdayalogo rin ang mga personnel sa pamilya ng benepisyaryo, na higit pang nagpatibay sa ugnayan ng pulisya at mamamayan habang isinusulong ang isang inklusibo at mapagmalasakit na komunidad. Sumasalamin ito sa serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman ng kapulisan para sa mamamayan, alinsunod sa adhikain ng Bagong PNP tungo sa mas inklusibo at mapagkalingang Bagong Pilipinas.
Source: Quezon PS
Panulat ni Pat Leinee C Lorenzo



