QCPD pinaigting ang seguridad sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

0
27

Pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang paghahanda sa seguridad bago ang paggunita sa ika-54 na Anibersaryo ng Pagdedeklara ng Martial Law sa Setyembre 21, 2026.

Bandang alas 11:00 ng gabi noong Setyembre 19, 2026, siniyasat ni BGen Christopher F Olazo, Acting District Director ng QCPD, ang mga nakatalagang police personnel sa Welcome Rotonda at People Power Monument (PPM) sa Quezon City.

Kasama ni PBGen Olazo sa isinagawang inspeksyon sina PCol Joel A Villanueva, Deputy District Director for Administration, at Police Colonel Marlon L Quimno, Acting Deputy District Director for Operations.

Isinagawa ang inspeksyon upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan at ang maayos na deployment sa mga pangunahing lugar na maaaring pagdausan ng mga pagtitipon kaugnay ng paggunita sa Setyembre 21 nang Pagdedeklara ng Martial Law.

Nanatiling nakatalaga sa kani-kanilang puwesto ang mga tauhan ng QCPD upang subaybayan ang sitwasyon, mapanatili ang kaayusan at seguridad, at agarang tumugon sa anumang insidente na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/p/19Vg61E5QE/)

Leave a Reply