Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na patuloy na pinaghahanap ang mga suspek na nasa likod ng pamamaril sa dalawang indibidwal na binawian ng buhay nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Glenn Randy Silvio, District Director ng QCPD, ang mga biktima na sina alyas “Norberto”, 51 anyos, pinuno ng isang organisasyong may kaugnayan sa mga nightclub at karaoke bar, at alyas “Ceferino”, 75 anyos, negosyante, kapwa residente ng lungsod.
Nabatid na nagsasagawa ng manhunt ang QCPD laban sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na walang habas na pinagbabaril ang puting Suzuki sedan ng mga biktima noong Martes ng hapon sa kanto ng EDSA at Timog Avenue, Barangay Sacred Heart, Quezon City.
Nabatid na may hindi bababa sa 12 tama ng bala sa windshield at sasakyan sa isinagawang crime scene investigation.
“The QCPD is also coordinating with the Metropolitan Manila Development Authority, as our investigators are now reviewing available CCTV (closed-circuit television) footage,” saad ni Silvio.
Source: https://www.manilatimes.net/2026/04/30/news/national/qcpd-hunts-down-suspects-in-deadly-qc-shooting/2331079



