QCPD, nagsagawa ng walkthrough inspection bilang paghahanda sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

0
28

Nagsagawa ng walkthrough inspection si Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director Police Brigadier General Christopher F Olazo, kasama si Police Colonel Marlon L Quimno, Acting Deputy District Director for Operations, at iba pang mga opisyal, sa ilang pangunahing lugar sa Quezon City dakong alas 8:00 ng umaga noong Setyembre 18, 2026.

Kabilang sa mga siniyasat ang EDSA People Power Monument, Bantayog ng mga Bayani, Welcome Rotonda, at House of Representatives bilang bahagi ng paghahanda ng QCPD para sa mga inaasahang pagtitipon kaugnay ng paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Layunin ng inspeksyon na matukoy ang mga kinakailangang hakbang at matiyak ang kahandaan ng mga tauhan upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng publiko.

Ang maagap na paghahanda at aktuwal na pagsusuri sa mga lugar na posibleng pagdausan ng mga pagtitipon ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng QCPD na maging handa sa anumang sitwasyon at makapaghatid ng maayos na serbisyo publiko, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/p/19XJWYnfxU/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply