Project “SKUL CARE” ng 1st Cagayan PMFC, nagkaloob ng 200 aklat sa Cagayan Science High School

0
26

Nagkaloob ang mga tauhan ng 4th Mobile Force Platoon, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC), ng 200 aklat sa mga mag-aaral ng Cagayan Science High School–Tuao Campus sa pamamagitan ng Project “SKUL CARE” (Students Keen Understanding on Localized Community Awareness for a Responsive Environment) noong Setyembre 18, 2026, sa Brgy. Naruangan, Tuao, Cagayan.

Sa pangunguna ni PLt Frederick S. Matias, Platoon Leader, isinagawa ang Book-Giving and Turnover Activity bilang bahagi ng inisyatiba ng PNP na palakasin ang ugnayan nito sa komunidad at makapaghatid ng konkretong suporta sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng kabataan. Tinanggap ang mga aklat ng mga kinatawan ng paaralan sa pangunguna ni Mr. Felix A. Quinan, Principal, kasama si Mrs. Lovejoyce L. Ambabag, MT-II at Teacher-in-Charge.

Layunin ng programa na matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa learning resources, mahikayat silang higit na pahalagahan ang pagbabasa, at mapalakas ang kultura ng pagkatuto sa loob at labas ng silid-aralan. Sa pamamagitan ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang pag-aaral, inaasahang mas mapalalawak ang kanilang kaalaman at mahihikayat silang patuloy na magsikap para sa kanilang edukasyon.

Higit pa sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan, patuloy na isinasabuhay ng PNP ang papel nito bilang katuwang ng komunidad sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa pagsusulong ng edukasyon. Ang Project “SKUL CARE” ay kaakibat ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tungo sa serbisyong may malasakit sa bawat Pilipino.

Source: 1st Cagayan PMFC (https://www.facebook.com/share/1Atj3HUQKD/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply