QCPD, nagsagawa ng “Service Caravan” para sa pagdiriwang ng ika-87 Founding Anniversary

0
66

Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-87 Founding Anniversary ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagsasagawa nito ng “Service Caravan” na naghatid ng iba’t ibang serbisyong pampubliko sa QCPD Hinirang Social Hall, Camp Karingal, Quezon City, noong Nobyembre 12, 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director PBGen Christopher Olazo, nag-alok ang aktibidad ng on-site processing para sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Police Clearance, National Bureau of Investigation (NBI) Clearance, at mga transaksiyon sa Social Security System (SSS).

Layunin ng inisyatibang ito na ilapit sa mamamayan ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng mas mabilis, maginhawa, at mas madaling pag-access sa mga kinakailangang dokumento at transaksiyon. Ipinakita rin nito ang patuloy na pakikipagtulungan ng QCPD sa mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng publiko.

Sa loob ng 87 taon ng paglilingkod, patuloy na pinagtitibay ng QCPD ang pangako nitong maghatid ng serbisyong maaasahan at nararamdaman ng bawat mamamayan, alinsunod sa adhikain ng PNP na isulong ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/p/1CVpMS4WEW/)

Leave a Reply